Sunday, February 20, 2011

January 22, 2007

11:37 to be precise 11:38 in a while

It's my day off tomorrow so I have all the time to waste. Time is gold as the cliche goes. Every minute.. second... counts..

1....2.... 3.........

Kung may log sheet lang siguro ang bawat araw.. oras.. minuto.. segundo.... ng ating buhay malalaman natin kung gaano natin nilustay ang ating mga kilos sa mga walang ka kwenta kwentang bagay.

PERO

naniniwala ako na ang mga walang ka kwentang kwentang bagay na iyon ay makabuluhan rin sa ating kabuoan.

Tila walang patutunguhan ang aking mga salita pero sa pag titig ko sa aking mga daliri na nag iintay ng utos para pumindot ng mga letra para makabuo ng salita para makabuo ng pangungusap at para makabuo ng ideya.... Napagtanto kong hindi ko na ata kelangan pang magsulat ng ga-litanya pang mga letrang hangin.. sapat ng aminin ko sa sarili ko kung asan ba talaga ako.. Naka upo man o nakatayo..
Pikit man o nakatungo.. Red o black..

Ako'y andito. Sa lugar na ito. sa oras na ito. sa sitwasyong ito. Dito ako. Alam ko na. Dati pa. Aray.

1....2....3.... 11:59

*Minsan

No comments:

Post a Comment